Magsimula na po mag-review ang blk. A. Pupunta ako sa room ninyo mamaya.
pupunta
ta. Ultimate
pun. Penultimate
pu. antepenultimateta-ta-yo
- Dok Mom
Matapos makita ng klase ang message ng aming propesor sa group chat mas nadagdagan ang kaba dahil tuloy na tuloy na talaga ang aming pagsusulit. Isa din ako sa kinakabahan sa aming pagsusulit dahil nalilito pa rin ako sa pagtrascribe ng mga salita. Pati ang pagtukoy kung may impit ba ang salita ay kinalilito ko pa rin. Bago magsimula ang pagsusulit naglaan u pa ang aming propesor ng isa't kalahating oras para sa kanyang pagtatalakay. Ang pag aakalang ang nakaraang talakayan ang laman ng aming pagsusulit ay mali. Matapos naming makita ang papel na naglalaman ng aming pagsusulit nalaman namin na iyong tinalakay kanina lamang ang laman ng aming pagsusulit. May transkripsyon din naman tulad ng talakayaan noong huling pagkikita ngunit ang lalagyan namin ng transkripsyon ay ang mga salitang kinakailangan pa naming piliin sa pangkat ng mga salita na aangkop sa deskripsyon na nakalagay din sa papel. Ang pagsusulit ay nagtagal ng isa't kalahating oras. Ang isa't kalahating oras na pahirap. Ito ang huling klasw namin ngayong araw ngunit hindi pa ako umuwi dahil kinakailangan naming magvideo para sa pangkatang gawain namin sa sabjek na Fitness Exercise. Ginawa namin ito sa TED lobby kahit madaming tao, sige lang PARA SA GRADES! Natapos ito ng ala una ng hapon.
Ika-3 ng Marso taong 2020
GISA
Siya iyong propesor na napakadaming tanong na tila ba lahat na lang ng sasabihin mo makikitaan niya ng butas. Napakadaming alam na tila ba memoryado niya lahat ng pangyayari sa larangan ng siyensya at teknolohiya simula pa noong panahon ng dinosaur. Hindi kaya memoryado niya din lahat ng uri ng dinasour?
Wala kaming propesor sa una at pangalawa naming sabjek, kaya naman apat na oras akong nagkalikot lamang ng cellphone ( sobrang produktibo ). Nakakabagod pero mas okay na ito atleast kahit papano may oras kami para maghanda bago kami magisa. Mayroon pa kaming isang sabjek na dapat pasukan bago kami mananghalian. Ngayong araw na ito ang araw ng paglalahad namin sa klase ng paksa na napunta sa amin noong nakaraang pagkikita sa sabjek na ito. Inasahan na namin ang pagbato ng madaming tanong ng aming propesor. Halos lahat ata ng butas sa paglalahad namin at mga sagot namin sa kanya ay nakikitaan niya ng butas. Dahil dito ang buong pangkat ay kinakabahan. "Pag aralan niyo iyong paksa natin", paulit ulit na sambit ng isa sa miyembro ng aming pangkat. Pagpasok ng aming propesor sa STS inayos na agad ang projector na gagamitin sa paglalahad ng pangkat namin at ng isa pang pangkat. Nagsimula ng magsalita ang kinatawan namin sa paglalahad. "In English" sambit ng aming propesor sa aming kinatawan matapos nitong banggitin ang kanyang unang salitang. Kaya naman sinimulan niya ulit ito na wikang ingles na ang gamit. Matapos nitong maglahad pinatayo ang buong pangkat sa harap upang sagutin ang mga tanong na hinanda ng propesor. Madami itong tanong na binato sa amin. Pinupuna nito ang bawat butas na makita niya sa sagot na ibinigay namin sa kanya. Matagal din kaming nakatayo sa harapan habang kinakabahan at sinasagot ang mga tanong niya. Matapos ang ilang minuto natapos din ang kanyang pag tatanong at sumunod na ang susunod na pangkat.
Ika-4 ng Marso taong 2020
Preliminaryong Gawain
Habang abalang abala ang nakababata kong kapatid sa panonood ng mga cartoons sa telebisyon, habang ang isa ko pang nakababatang kapatid at ang nakakatatanda kong lalaking kapatid ay naglalakbay pa sa panaginip heto ako abalang abala sa paggawa ng aming preliminaryong gawain sa sabjek na Varayti at Baryasyon ng Wika. Bukas na ang tinakdang pasahan ng gawaing ito kaya naman kinakailangan matapos na ito ngayong araw. Ang gawaing ito ay pangkatan kaya hinati hati sa bawat miyembro ang gawain. Dahil ayoko naman na maging pabigat at magfeeling VIP sa grupo, ginawa ko na agad ang parte ko. Nagsaliksik ako sa internet ng mga impormasyon na kinakailangan upang magkaroon ng basehan sa ginagawa kong papel. Sa pandinig tila madali lang ang magsaliksik sa internet ngunit mahirap din palang maghanep. Kaunti lamang ang ibinibigay at madalas wala pa. Ang suliraning ito ay di naging hadlang upang matapos ko ang gawain. Pagpatak ng alas singko ng hapon natapos ko din iyon. Hindi ko agad sinend ang aking gawain dahil tila ako pala mang ang tapos sa paggawa naghintay pa ako ng dalawa pang oras bago ko ito pinasa. Sa oras na iyon mayroon ng dalawang nagpasa ng gawain nila. Noong natapos ko na ang gawain saka pa lamang ako nakaligo. Napakalagkit sa pakiramdam na tila gusto mo ng mag ala serena at lumublob sa drum na puno ng tubig.
Ika-5 ng Marso taong 2020
Maagaaaaa anggggg uwiannnnnn!!!
Noong huling pagkikita namin ng aming propesor sa Fitness Exercise pinaalam niya na sa klase na hindi ito makakarating sa klase ngayong araw. Dalawa nalang ang kinakailangan naming pasukan na sabjek . Madaming akong nakikitang bakanteng upuan. Siguro'y napuyat dahil sa pag aasikaso ng aming premilinaryong gawain sa sabjek na Varayti at Baryasyon ng Wika. Sinabi na ng aming propesor noong huli naming pagkikita na maglalaro kami ngayong araw ngunit noong pinaalam na nito ang gagawin naming laro nasabi ko na lamang sa aking kamag aral na " yung palaro ni sir pangmatalino". Matapos magsama sama ng bawat pangkat ipinakita ng aming propesor ang dapat naming gawin. May apat na pangungusap na hinanda ang guro, huhulaan ng bawat pangkat kung ano ang salita na imbento lamang at walang nakalimbag na kahulugan sa mga diksyonaryo. Matapos nito ang depinisyon naman ng imbentong salita ang kinakailangan naming hulaan. Sayang nga lamang dahil malapit na sa tamang depinisyon ang aming sagot. Ngayon lamang sumakit ulo ko dahil sa palaro, (sir kasi e pangmatalino yung larong pinagawa). Walang nakakuha ng tamang sagot ibig sabihin nito walang nakakuha ng dalawang puntos na idadagdag sana sa puntos ng aming premilinaryong gawain. Ang huling sabjek ng araw na ito ay Philippine History. Sinumulan ng aming propesor ang klase sa pag alakung sino ang kI an sa klase. Nagtalakay lamang ang aming propesor tungkol sa rebusyon ni Dagohoy at Pule na tinuturing na bayani ngayon ng Pilipinas. Pinatukoy nito sa bawat pangkat ang mga pangungusap na nagpapatunay na ito ay sinulat ng katutubong pari o heswitang espanyol na nakasaad sa teksto na ibinigay nito.
Ika-6 ng Marso taong ,2020
Ano sa tingin niyo?
May ideya ba kayo?
Pano gagawin natin?
Tama ba ito?
at iba pa.....
Ang mga tanong na narinig ko buong araw sa klase. Simula unang sabjek na Contemporary World hanggang huling sabjek na sanaysay at talumpati gumawa ang klase ng pangkatang gawain. Walang kamatayang pagbibilang ng 1 2 3... para mapangkat ang klase. Pinilit kong ilabas ang huling piga ng ideya sa utak ko para naman kahit papano may ambag ako sa grupo at hindi mabangsagang dumbell (pabigat).
Biglang tumahimik ang klase mula sa malapalengke paligid dahil sa pagdating ng aming propesor sa una naming sabjek na Contemporary World. Ngayong araw ang itinakdang araw para ilahad namin ang aming presentasyon. Asan na yung projector? Wala bang magkukusang kukuha ng projector baka gusto niyong ako kumuha? sermon ni sir sa amin. Sermon agad ang nakuha namin sa unang sabjek pa lang namin. Noong huling pagkikita namin sa sabjek na ito may nauna ng dalawang pangkat na naglahad at nilahad nila ito ng mahusay kaya naman kinakailanganwin din naming mahusay nga paglalahad namin. Pagtapos ng naunang naglahad sunod na ang pangkat namin. Ang dalawang napiling meyimbro ng aming pangkat ay nagsimula ng maglahad. Bakas ang kaba ng dalawa naming miyembro dahil sa posibleng follow up question ng aming propesor. Ang kanilang kaba ay nawala noong natapos na ang paglalahad at laking pasasalamat nila noong walang tanong ang aming propesor. May dinagdag pang impormasyon ang aming propesor tulad din ng ginawa niya sa iba pang pangkat.
Count from one to nine, sambit ng aming pangalawang propesor ngayong araw na ito, pagtapos nitong alamin kung sino ang liban sa klase. Pinangkat ang klase sa siyam na pangkat at binubuo ito ng apat na miyebro. Matapos magsamasama ng awat pangkat, siinulat na ng propesor ang mga paksa sa pisara na kinakailangan naming saliksikin at ilahad sa klase sa susunod na pagkikita. Sari saring ingay nanaman ng nangingibaw sa loob ng silid. Ang bawat pangkat ay may kanya kanyang ingay na naaambag sa maingay na silid. Katulad ng madalas na nangyayari sa pangkatang gawain nangibabaw ang dada tungkol sa ibang paksa kaysa sa dada tungkol sa paksa na binigay ng propesor sa aming pangkat Kahit ganon nakapagpasa kami ng papel na aming nasaliksi. Kaunti lamang iyon kaya kinakailangan dagdagan upang habang kami ay naglalahad ay makakuha ng madaming impormasyon at kaalaman ang aming mga kamag-aral ang pagtalakay namin sa susunod na araw.
Igilid niyo na yung mga upuan sigaw ng kamag aral naming nakatakdang mag-ulat sa araw na ito sa pangatlo naming sabjek (Ethics). Mayroong mga aktibidad na hinanda ang pangkat na maglalahad ng lesson para sa araw na ito, na inasahan na ng buong klase at ng aming propesor dahil ito ang paraan na sinabi ng aming propesor na paraan ng paglalahad. Sa pagpasok palang ng aming propesor sa aming silid pumwesto agad ito sa likod na parte ng silid na hudyat ng pagsisimula ng paglalahad ng pangkat. Pinangkat ang klase sa dalawa. Ang activity na hinanda ng pangkat at charade ( ilalarawan ng isang miyembro ng pangkat ang hinandang salita sa pamamagitan ng paglalarawan sa salita na di ginagamitan ng boses). Habang sinasagawa ang aktibidad ang ingay ay naging dominante nanaman sa loob ng silid. Ang dalawang pangkat ay parehong gustong manalo kaya naman ang ingay ay naging dominante sa loob ng silid. Nahulaan ng pangkat namin ng mas mabilis ang mga salitang hinanda ng mga reporter kaya naman kami ang nanalo sa unang aktibidad. Mayroon pang sumunod na aktibidad. Sa pagkakataong ito ay wala ng pangkatan. Nakadepende ito sa swerto mo. Mayroong limang pagpipiliin sa unahan at nakalakip sa bawat pagpipilian kung pwede ka pang magpatuloy sa aktibidad o hindi. May tatlong natira sa huli at kinakailangan nilang sagutin ang tanong na nakalagay sa pinili nilang numero sa harapan na di nabanggit kanina. Dahil dito nagtawanan ang buong klase at nagpasalamat dahil natanggal sila sa aktibidad. Para pangpalubag loob binigyan ang tatlo ng tig-iisang biscuit na nagsilbing premyo nila. Sa huli namahagi sila ng mga nakarolyong maliliit na papel na mayroong mensaheng nakasulat.
Sanaysay at Talumpati ang huling sabjek ng klase. Muli nagpangkatang gawain kami at napunta ako sa grupo ng sayaw-personal. Naging maayos naman ang aming grupo. Nakapagbahaginan kami ng sari saring ideya na magagamit namin sa aming presentasyon sa susunod na pagkikita. 8:30 na ng gabi ako nakauwi dahil na rin sa layo ng byahe at mabigat na trapiko.
Ika-7 ng Marso taong 2020
Pancit
Tulad ng normal kong sabado, gumising ako ng alas dyis ng umaga, kumain ng almusal, nanood ng telebisyon, naghugas ng pinggan, nag cellphone, nanood ulit ng telebisyon, nagluto, kumain ng hapunan, nanood ulit ng telebisyon. Iyan ang routine ko tuwing sabado. Mas gusto kong tumambay sa bahay kaysa maglakwatsa sa kung saan dahil tinuturing ko ang sabado bilang pahinga sa nakakastress na aralin tuwing lunes hanggang biyernes. May bago ngayong araw. Maaga umuwi galing sa trabaho ang aking ate, tatay at nanay. "Libre mo naman kami ng pancit" sabi ng nanay ko sa aking ate pagkaupo nito sa aming upuan. Gagawa pa sana ito ng dahilan na kesyo gabi na sarado na iyong nagtitinda ng pancit. Ang di niya alam nadaanan ng nanay ko iyong tindahan ng pancit na bukas. Sa huli naglabas din ng pera ang ate ko at bumili ang nanay at tatay ko ng pancit.
Ika-8 ng Marso, taong 2020
ISA
Alas syete palang ng umaga gumising na ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Gusto ko pang umidlip ng sampu pang minuto ngunit naisip ko mabagal nga pala ako kumilos at ayokong makaramdam muli ng kaba habang bumibiyahe dahil posibleng mahuli sa klase. 8:45 ng umaga umalis na ako ng aming bahay at nakarating ako sa aming paaralan ng 10:00. Mayroon pa akong 30 minutong panahon para makipagdaldalan sa mga kaibigan ko dahil magsisimula ang klase sa ika-10:30 ng umaga. Mayroong magaganap na entrance exam ngayon at ang aming klasrum ang isa sa mga ginamit na silid ng mga mag-eexam. Ang akala ko nga'y makakansela muli ang klase dahil sa entrance exam na ito. Mula kagabi hanggang sa paggising ko hindi ko talaga nakalimutang icheck kung mayroong anunsyo ng pagkansela ng klase ngunit walang lumabas na anunsyo. Dahil nga wala kaming silid sa hagdan na kami gumawa ng aming gawain para sa araw na iyon. Noong nakaraang linggo gumawa kami ng lesson plan, dahil sa mali maling tala sa aming papel pinaulit muli ito ng aming propesor. Ito ngayon ang ginagawa naming gawain. Sa una nagkaroon pa kami ng kaunting sularanin dahil hindi namin alam ang aming ilalagay sa aming papel ngunit noong naintindihan na ng aming grupo ang bawat column na kinakailangan talaan tuloy tuloy na ang aming paggawa. Isa isa ng umuuwi ang ibang grupo pati ang mga kaibigan ko nauna ng umuwi habang kami ay gumagawa pa rin. Noong natapos kami sa aming lesson plan wala na kaming nakitang grupo na gumagawa, sa tingin ko kami ang huling grupong nagpasa. Dahil nga nauna na ang mga kaibigan kong umuwi mag isa ko ngayong binabagtas ang daan pauwing bahay, ayos lang naman, ayos lang namang kahit minsan mag-isa ka.
Ika-9 ng Marso taong 2020
Nakakatamad na araw
Nak gising na! sabi ng tatay ko habang tinatapik ang aking kamay. Opo babangon na sagot ko imbis na bumangon pumikit pa ako ng saglit. Dahil sa di ko pagbangon hayan nanaman amg tatay ko, ginigising ako. Opo babangon na sagot ko muli, ayan din yung sinabi mo kanina bumangon ka na at tanghali na sabi nito na may naiinis na tono. Dahil dyan bumangon na ko kahit tamad na tamad pa ako. Ewan ko ba simula paggising hanggang sa pag aasikaso para sa pagpasok tamad na tamad ako. 7:00 ng umaga nasa klasrum na ako. Walang pang propesor na magtuturo dahil 7:30 pa naman ang simula ng klase. Bilang lamang sa kamay ang naabutan kong kamag-aral sa loob ng silid. Habang wala pang propesor umidlip muna ako saglit. Mula sa pagkaidlip ko, hanggang sa paggising at hanggang sa sumunod pang oras walang propesor na nagpakita. Nalowbatt na yung cellphone ko wala pa ring propesor na nagpakita, buti na lamang at may power bank akong dala. Pagpatak ng 9:30 ng umaga nagdesisyon na kaming umuwi ng mga kaibigan ko. 11:30 ng umaga na kauwi na akong bahay. O bat ang aga mo? tanong ng tatay ko. Di naman yan pumasok e sabit ng nakatatanda kong kapatid. Isang prof lang ang nagklase sagot ko sabay irap sa kapatid ko. Sinabi ko iyon dahil baka bawain yung baon ko kapag sinabi kong wala nagklase sa amin ngayon.
Hayst, kaya pala tamad na tamad akong kumilos, papasok pala ako para umupo, matulog, magdaldal at magdutdut sa cellphone.
Ika-10 ng Marso taong 2020
Repleksyon
Walang pasok kaya naman tambay ako sa bahay. Tambay nga lang ko sa bahay mayroon naman akong kinakailangang gawing gawain pangpaaralan. Late na ako gumising ngayon (10 ng umaga). Ang isa sa dahilan kung bakit lagi kong inaabangan ang weekend at suspension ay hindi ko kailangan gumising ng napakaaga. Habang tuwang tuwa ang kapatid ko sa panonood ng Paw Patrol sa telebisyon heto ako nagluluto ng almusal. Pagtapos magluto kumain na ako. Pagpatak ng ala una ng hapon gumawa na ako ng sanaysay tungkol sa repleksyon ko sa tatalakayinn naming paksa. Natapos na din akong maligo bago ako nagsimulang gumawa ng sanaysay baka mamaya'y gabi nanaman ako makaligo at mapagalitan na nanaman ng nanay ko. Maririnig ko nanaman ang linyang "maghapon kayo sa bahay ngayon lang kayo maliligo, malalamigan yung likod mo!!" Habang gumagawa ako ng sanaysay madaming tuksong nakapaligid andyan ang telebisyon, Facebook at messager. Hindi ko maiwasang mapatitig sa telebisyon ng ilang minuto, hindi ko maiwasang buksan ang aking data connection at magscroll sa aking newsfeed sasabay pa dyan ang pagpop up ng mga messages ng mga kaibigan ko sa messenger. Dahil diyan alas kwatro na ako natapos. Ang akala ko'y makakapagpahinga na akoContemporary nagkamali ako naghihintay pala sa akin ang isang tambak ng hugasin sa lababo. Sinuot ko na ang aking earphone at sinaksak sa akingtheme cellphone para makinig ng music habang naghuugas syempre maykasama yang sing along. NEVER ENOUGH!! NEVER!!NEVER!!!
Ika-11 ng Marso taong 2020
Ghosting
Kagabi lamang nalaman kong naextend ang suspension ng klase hanggang Ika-14 ng Marso. Oo nga't walang pasok pero walang makakapigil sa mga propesor na magpapasa ng kanilang mga pinapagawang gawaing pampaaralan. Alas onse palang ng umaga inaasikaso ko na ang pangkatang gawaing pinagawa sa amin ng aming propesor sa Varayti at Baryasyon ng Wika. Kinakailangan naming hanapan ng dalawampung batis at impormasyon ang salitang ghosting na pinili ng grupo at hindi natatapos dyan dahil kinakailangan ding lagyan ng rasyonal. Dahil apat kami sa grupo hinati namin ang dalampu sa tiglilima upang may ambag ang lahat ng miyembro. Limang oras akong nagbabad sa cellphone at limang oras din kaming nagkasama ni google. Hindi ko muna hinayaan na matukso ako ng mga tukso sa paligid (Facebook, messenger at telebisyon). Alas tres ng hapon natapos ako sa aking parte sa paggawa ng aming pangkatang gawain naisend ka na din ito sa aming group chat upang maicompile na ng aming lider. Pagtapos ko natulog ako para ipahinga ang aking mata at utak mula sa limang oras na pakikidigma.
Ika-12 ng Marso taong 2020
COVID huwag ka na magalit, alis ka na pleaasssee.
Ang isang lingong suspension ay hindi dahilan para matigil ang klase. Isang buong araw nakatutok ako sa aking cellphone dahil sa takot na mapag iwanan sa mga anunsyo ng mga propesor na kinakailangan gawin. Isang buong araw akong naloloka hindi alam kung saan ako magsisimula at kung sinong propesor ang aking uunahin. Dagdag pa ang nalalapit naming reporting na kinakailangan na naming ivideo at ipost sa page ng isa naming sabjek. Nakakahiyaaaa!!! sigaw ko habang binabasa ko ang anunsyong iyon. Panonoorin iyon ng buong klase at hindi mo pa alam kung magcocomment ba sila o hindi. Ngayon sinisiguro kong lahat ng oras ko ay produktibo. Kinakailangan wala akong oras na nasasayang. Ilalaan ko ito sa paggawa ng mga gawaing pangpaaralan upang hindi matambakan. WPS, GOOGLE, MESSENGER, EMAIL isang buwan din tayong magsasama at utak makisama ka ha. Dahil sa dami ng gawain alas sais na ako nakaligo, ramdam na ramdam ko ang lagkit sa katawan kaya medyo napatagal ako sa banyo.
Ika-13 ng Marso taong 2020
Ang Nakoronahang Payaso
Ngayong araw ay isang buong araw na pahinga. Kung kahapon ay tinadtad ang buong klase ng mga online na gawain ngayon tila dininig ang aming panalangin na panandaliang pahinga. Buong araw walang binigay sa aming gawain na kinakailangan ipasa agad. Nakatutuk pa rin naman ako sa aking cellphone at nagtuplo tuplok ngunit sa pagkakataong ito ay nililibang ko na lamang ang sarili ko. Paminsan minsan ay tinatawag ako ng aking nanay para gumawa ng gawaing bahay wala naman akong magagawa kundi sumunod kung ayaw ko makatikim ng sermon. Ngayong araw nasimulan ko ng panoorin ang matagal ng nakaimbak sa cellphone ko na kdrama. The Crowned Clown ang titulo ng korean drama na ito. Ang korean dramang ito aypara tungkol sa isang payaso na nagpanggap bilang isang hari dahil sa utos ng totoong hari. Magkamukhang magkamukha ang hari at ang payaso kung kaya't walang mag-iisip na hindi ito ang harI kapag nagpanggap na ang payaso bilang hari.
Ika-14 ng Marso, taong 2020
Kakaexpire lamang ng GoSurf50 kaya nagpaload ako ulit paghahanda lamang para sa mga biglaang gawain na ipapagawa ng aming mga propesor na kinakailangan ng internet connection. Ang mga inaasahan kong gawain ay walang dumating kaya naman nagdownload nalang ako ng buong episode ng isang korean drama para mayroon akong libangan at hindi maburyo sa bahay pagwala akong ginagawa. "Beauty Inside" ang titulo ng korean drama, sabi ng ate ko maganda daw iyon. Matatawa ka, pero maytimes na maiinis ka, at kikiligin syempre. Noong nakaraang taon niya pa ito napanood kaya sobrang huli na ako. Habang nagdadownload inabala ko ang sarili ko sa pagscroll sa newsfeed ng aking facebook account. Nilibang ko din ang sarili ko sa panonood ng mga tiktok sa mga my day. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pang ipost sa my day ang mga tiktok nila, bakit hindi na lang iimbak iyo sa tiktok account nila kaya nga tinawag na tiktok diba. Haysst hayaan na nga lang account naman nila iyon kung pupunahin ko pa baka mabash ako ayoko namang sumikat dahil doon. Noong natapos nakami akong magdownload pinahinga ko muna ang aking data at baka maubos ito, wala akong magagamit pagkailangan ko na talaga ito. Inabala ko nalamang ang sarili ko sa panonood ng korean dramang dinownload ko.
Ika-15 ng Marso taong, 2020
Ngayong araw pinost ng aming kamag aral ang kanilang video report. Gumawa ang aming propesor ng poll tungkol sa kung anong oras dapat ipost ang kanyang tanong tungkol sa video report na pinosthindi ng aming mga kamag aral. Nanalo sa poll ang oras na 8:00 - 8:15 ng gabi. Akala ko noong una ay iyong mga tinalagang reactor ng aming propesor sa araw na ito ang siya lamang magcocomment sa tanong ng aming propesor ngunit nagbackread ako noong 7:50 ng gabi at nabasa ko na lahat na kami ay kinakailangan mag-comment sa tanong ni sir kaya naman dali dali kong sinagutan ang tanong ni sir. 8:12 na ng gabi ko na iposthindi ang comment ko mabuti na lamang at nag extend si sir ng time dahil siguro kaunti pa lamang ang nagcocomment sa tanong niya. 8:17 ng gabi sinarado na ni sir ang comment section, wala ng pwedeng magcomment sa post nito. Maikli lamang ang aking sagot ngunit sa tingin ko ay sapat na iyon para masagot ang tanong ng aming propesor.
Ika-16 ng Marso taong, 2020
Powerpoint
Since wala pa akong inaasahang ipapasa ngayong gawain inalam ko kung ano pa ang gawaing pampaaralan na hindi ko pa nagagawa. Naisip ko na hindi ko pa pala nagagawa ang powerpoint ko sa Varayti at Baryasyon ng Wika. Sa una sabi ng aming propesor kinakailangan naming ivideo ang aming sarili habang inuulat ang aming paksa at ipopost ito sa facebook group na ginawa para doon ipost ang mga dapat ng gawin at ang mga tapos naming gawa. Kanina lamang ay binago na ng aming propesor ito. Kinakailangan na lamang naming gawin ay written report o power point tungkol sa paksa namin. Kahit sa ika-30 pa ng Marso ang itinakdang pasahan ng powerpoint na ito ginawa ko na para wala na akong alalahanin. Binasa ko muna ang larawan ng pahina ng libro na kung saan nakatala ang aming paksa. Sa una ay nahirapan akong intindihin ang paksa nhunit sa tulong ni google ay naintindihan ko na ito. Matapos kong mabasa ang mga impormasyon tungkol sa paksa namin ay nakapagsimula na ako sa paggawa ng powerpoint. Nang matapos na ako gumawa ng powerpoint tungkol sa paksa ay sinunod ko naman ang mga impormasyon tungkol sa manunulat ng librong ginamit namin. Medyo nahirapan ako sa pagkalap ng impprmasyon dahil masyado atang pribado ang manunulat at walang masyadong impormasyon tungkol sa kanya ang nakatala sa internet. Kaunti lamang ang nakita kong impormasyon niya ngunit nakontento na ako dito at iyon nalang ang inilagay ko sa powerpoint dahil hindi naman pwede akong mag imbento ng impormasyon tungkol sa kanya. Noong natapos ko na ito sinend ko na agad ito sa mga kagrupo ko.
Ika-17 ng Marso, taong 2020
Freeze muna
Hapon na noong maisipan kong magbasa ng libro at itala ang aking script sa gagawin kong video report. Noong natapos ko ng gawin ito naisipan ko naman mag online at buksan ang aking messenger at baka mayroon nanamang ipagagawa ang mga propesor. Bumungad sa akin ang chat ng aking kaklase at kagrupo sa Contemporary World. Sinabi nito na kasama kami sa magpapasa bukas ng video report na ikinagulat ko dahil akala ko ay sa susunod na linggo pa kami magpapasa nito. Pagkatapos kong mabasa iyon nag offline kaagad ako at inihanda na ang aking cellphone at selfie stick para sa pagvivideo. Dahil padilim na kinakailangan ko ng flashlight para ilawan ako dahil hindi sapat ang ilaw ng bahay para makita ang mukha ko sa video. Tinawag ko ang aking kapatid para hawakan ang flashlight at ang kodigo ko na kinakailangan kong sabihin sa harap ng camera. Nagtagal kami sa pagvivideo dahil madalas akong nabubulol at mayroong maingay sa background. Buti nalang at hindi ako iniwan ng kapatid ko at hinayaang ako nalang ang maghawak ng flash light, kodigo at ng selfie stick na imposible kong magawa habang nagvivideo. Gabi na kami natapos at gabi na rin ako nakapagsimulang mag-edit ng video. Nag install muna ako ng app para maedit ang aking video. Madali lang naman mag edit ngunit madami nga lang siyang proseso kaya natagalan ako sa pag eedit. Alas dose na ako natapos mag edit pero hindi pa dyan natatapos ang gawain ko kinakailangan ko pang isend ito sa aking kagrupo para maicomply ngunit sa pagbukas ko ngpang aking messenger nakita ko ang chat ng aming propesor na "Freeze muna". Sa una ay naguluhan pa kami kung anong ibig sabihin nito pero nainitindihan namin na hindi na muna tuloy ang mga gawaing pinapagawa niya. Hayst mayroon nanamang video na matatambak sa cellphone ko.
Ika-18 ng Marso, taong 2020
Online Learning
Nagpost na ang aming propesor sa Ethics ng kauna unahan niyang gawain para sa klase simula noong sunuspinde ang klase. Madali lang naman ang kanyang pinapagawa. Hinihingian niya lang kami ng opinyon kung epektibo bang paraan ang online learning para makakuha pa rin ng kaalaman ang mga mag-aaral kahit kanselado ang klase. Dahil madali lamang itong gawin at hindi makakain ng madaming oras sa paggawa ginawa ko nanatural agad ito kahit sa biyernas pa ang itinakdang pasahan nito. Sa una kong talata nilagyan ko muna ito ng introduksyon tungkol sa kasalukuyan nangyayari sa bansa na naging dahilan ng pagkansela ng klase. Sa pangalawang talata iniligay ko na aking opimyonmessenger tungkol sa katanunganNatural ng aming propesor. Sa pangatlong talata binigay ko na ang aking konklusyon na kinakailangan ng kooperasyon sa pagitan ng propesor at mag aaral para maging epektibo ang kahit ano mang paraan na gagamitin para magkapag bahagi pa rin ng kaalaman ang propesor at makapag bahagi din ng opinyon ang estudyante. Natapos ko ito ng mabilis at ang mga natirang oras ko sa araw na ito ay ginugol ko sa paglilibang gamit ang aking cellphone.
Ika-19 ng Marso, taong 2020
Wala akong gagawin ngayon kaya naghanap ako ng pagkakaabalahan. Sa 21 na ng Marso mag eexpire ang load ko kaya naman para hindi ito masayang pinanood ko iyong mga link na pinost ng aming Propesor sa Sanaysay at Talumpati tungkol sa mga bayani ng bansa. Simula bata palang ay kinahihiligan ko ng makinig at manood ng mga dokumentaryo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit sobrang nacucurious ako sa pangyayari sa nakaraan at ang karamihan ay antok na antok kapag nanonood ng dokumentaryo o nakikinig sa mga kwento ng aming guro tungkol sa kasaysayan ng bansa. Apat na dokumentaryo ang napanood ko, ang dokumentaryo tungkol kay Rizal, Bonifacio, Mabini, at Jacinto. Madami akong nalaman tungkol sa mga bayaning ito. Sa katunayan si Rizal at Bonifacio lang talaga ang kilala ko sa apat na ito. Kilala ko sa pangalan si Jacinto at Mabini ngunit hindi ko alam kung anong naging bahagi nila sa kasaysayan. Nalaman ko lamang ngayon na napakalaki ng ambag nila sa kasaysayan. Sobrang talino ng dalawang ito. Sa murang edad ni Jacinto nagawa niyang magdesisyon na sumama sa rebolusyon at sinakripisyo ang kanyang pag-aaral ng abogasiya. Naging utak ng Katipunan at nakatulong ng malaki sa pagtatag nito. Si Mabini naman ay nagpamalas ng matinding katalinuhan para magabayan si Aguinaldo na sobrang kinaiinisan ko talaga. Sa tulong ni Mabini ang mga desisyon ni Aguinaldo ay naitama, nagabayan talaga ng Mabini ng husto si Aguinaldo. Ngayong araw naging maalam ako sa sa kwento ng kasaysayan ngunit alam kong hindi pa ito sapat para maintindihan ko ang pangyayari noong nakaraan kaya magpapatuloy ako sa panonood ng mga.dojumentaryo na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan.
Ika-20 ng Marso, taong 2020
Activity for advance or follow up study!
Kahapon ng 4:44 ng hapon nagpost ang aming propesor ng kailangan naming gawing online activity. Kinakailangan gumawa ang buong klase ng Venn diagram tungkol sa 5 types ng integration, hindi lamang iyan kinakailangan din naming gumawa ng web chart tungkol sa United Nations. Madali lamang naman ang pinapagawa kaya napagdesisyonan kong ngayon na lamang gawin ito kahit ngayon din ang araw natinakda para ipasa ito. Pagkagising ko pa lamang ay tinutok ko na agad ang aking mata sa aking cellphone para maghanap ng mga impormasyon na maaari kong ilagay sa aking ven diagram at web chart. Hindi ako nakuntento sa impormasyong nakalap ko sa internet kaya naman tinutok ko naman ang sarili ko sa aking libro. Noong sapat na akinglang nakalap na impormasyon sinumalan ko ng buoin ang aking ven diagram at web chart. Nagplano muna ako sa aking scratch paper kung paano ko oorganisahin ang mga impornasyon na ilalagay ko. Noong sigurado na ako sa aking sinulat sa scratch paper inilipat ko na ito sa malinis na papel. Gumamit pa ako ng oil pastel para sa disenyo at magmukhang presentable at pinaghandaan talaga ang papel. Malay natin baka may dagdag na puntos pagnasiyahan ang propesor sa disenyo. Noong tapos ko na ang papel kinuhanan ko na iyo ng larawan para maisend ko na sa aming propesor ang aking gawa at baka makalimutan ko pang ipasa pag mamaya ko pa ito ipapasa.
Ika-21 ng Marso, taong 2020
Wala pa akong balak na tapusin lahat ng pinapagawa ng aming mga propesor. Ang plano ko lang ngayong araw ay magchill habang tumatambay sa bahay. Madami pang nakatambak na kdrama sa cellphone kaya naman napagdesisyonan ko na ngayong araw tatapusin ang isa sa mga ito. Sisimulan ko na ngayon ang panonood ko sa korean drama na The Beauty Inside. Mayroon na akong complete episode nito kaya naman hindi ako mabibitin sa panonood. Tulad ng ibang kdrama ang bawat episode nito ay tumatagay ng isang oras mahigit kaya naman imposible ko pa lang matapos itoyang ngayong araw pero ayos lang madami pa akong panahon para dito. Hanggang episode five lang ang natapos ko. Hindi naman kasi pwedeng buong araw tututok lang ako sa cell phone ko at baka mabatukan pa ako ng nanay ko at makatikim ng mala putok ng armalite na sermon.
Ika-22 ng Marso taong 2020
Itong araw na ito ay continuation lang ng korean drama marathon ko. Natapos ko na ang episode five kahapon kaya ngayong araw magsisimula ako sa episode six. Ang bidang babae sa korean drama na ito ay nagpapalit ng katauhan bawat buwan. Maaring magpalit ang katauhan niya at maging lalaki, matanda, bata, at iba pa. Sa episode six nitong drama na ito nakatakda siyang magpalit ng katauhan. Sa bahay siya ng bidang lalaki natulog para patunayan na totoong nararanasan niya ang ganoong kondisyon. Sa buong gabi na magkasama sila hindi nagpalit ng kaanyuan ang bidang babae, ngunitat noong umaga na nagpalit ito ng kaanyuan, naging teenager na lalaki ito ngunit ang pagpapalit niyo ng anyo ay kasabay ng pagbisita ng nanay ng bidang lalaki sa bahay nito. Hindi nito nasaksihan ang pagpapalit nito ng anyo ngunit nakita nito na mayroong kasamang teenager na lalaki sa kwarto at katabihindi nito sa pagtulog. May narinig ang nanay ng bidang lalaki sa pag uusap ng dalawa na siyang naging dahilan ng pag iisip ng nanay nito na bakla ang kanyang anak. Madami pang nangyari sa episode iyan lamang ang naging highlight ng episode. Ang panonood ko ay umabot lamang hangggang episode 10. Mayroon pang anim episode na panonorin bago ito matapos.
Ika-23 ng Marso taong 2020
Ang sakit ng ngipin ko ngayon. Hirap akong kumain simula umaga hanggang gabi. Pabalik balik kasi ito, mawawala saglit ngunit maya maya'y andyan nanaman siya. Ang ulam namin sa umaga ay tuyo at kamatis. Masarap sana itong kainin ngunit paano ko naman ito makakain kung pinaparusahan ako ng ngipin ko. Dahil dyan nagtimpla na lang ako ng gatas at kumain ng tinapay. Sa tanghali, sinigang na buto buto ang ulam namin. Sa simula ng aking pagkain ay maayos pa ang lagay ng aking ngipin ngunit sa kalagitnaan ayan na siya nanalanta. Hindi ko natapos ang aking pagkain. Masarap pa naman sana ang ulam ngunit hindi ako hinayaan ng ngipin ko na kumain. Sa susunod na ihahain ang sinigang na buto buto sisiguraduhin ko na nanamnamin ko ito at uubusin. Sa gabi pinakbet ang ulam namin, hinayaan naman akong kumain ng mapayapa ng ngipin ko pero habang nanonood ako ng isang episode ng running man sa aking cell phone bigla siyang sumakit. Natapos ko naman ang panonood ngunit hindi natapos buong gabi ang pananakit ng ngipin ko at dahil dyan walang tulugan ngayong gabi. Kuya Germs ang hirap pala ng ginagawa mo.
Ika-24 ng Marso taong 2020
Walang may kaarawan na kamag anak ko ngayon pero may SPAGHETTI!!!. Ngayong araw nagluto ang tita ko ng spaghetti. Sa pamilya nakasanayan na naming magbigay sa mga kamag anak namin na malalapit lang ang bahay sa amin pag may niluto kaming panghanda kahit wala namang okasayon, tulad ng sopas, spaghetti, pancit, biko at iba pa. Dahil nga nagluto ang tita ko ng spaghetti binigyan din kami ng spaghetti. Sakto pa at gumawa si mama kanina ng melon juice. Kanina pa ito pinapalamid sa refrigerator. Para meron kaming panulak inilabas na namin iyon. As expected masarap yung spaghetti pati na rin yung melon juice. Habang nanonood ng telebisyon may masarap kaming pagkaun na nginangata. Salamat sa spaghetti tita, salamat sa melon mama. Labyou both.
Ika-25 ng Marso taong 2020
Dinownload ko iyong episode 271 at 272 ng running man kahapon dahil plano ko ngayong panoorin ito. Napanood ko na ito dati ngunit gusto ko lang panoorin muli dahil ito ang isa sa mga pinakagusto kong episode sa running man. Itong episode na ito ay heroes vs running man. Nag-imbita ang staff ng running man ng mga athletes (sireun, taekwodo, pro wrestler, at mga nagdodouble sa mga artista sa mga action scenes ng mga ito). Ang mga athletes na ito ay makakalaban ng mga running man members sa mga tasks na hinanda ng mga running man staffs. Para patas hinayaan ng mga running man staffs ang members na mag imbita ng 93 na mga tao na searchable sa google sa loob ng anim na oras. Talong laro ang nilaro ng magkalabang panig. Sa huli ang mga heroes parin ang nanalo.
Ika-26 ng Marso taong 2020
Ika-27 ng Marso taong 2020
Kanina lamang nakita ko sa isang post ng isang admin sa isang facebook group na sinalihan ko na ang isang korean variety show ay nashoot sa Palawan. Law of the Jungle ang variety show na iyo. Agad agad ko itong dinownload para mapanood. Limang episode iyon kaya isa nanamang marathon ito. Ang variety show na ito ay parang survivor na isang variety show sa GMA network dati. Ang mga members ay mag-iistay sa isang gubat, pwede ring gitna ng dagat at ang magiging source ng kanilangtao pagkain ay ang mga pagkain na makukuha nila sa lugar kung saan sila namamalagi. Lahat ng variety show episode na shinushoot sa Pilipinas at talagang pinapanood ko, tuwang tuwa lang ako na ipinapalabas sa korea ang Pilipinas kung saan ako nakatira. Nakakaproud lang.
Ika-28 ng Marso taong 2020
Ngayong araw wala akong magawa, since may data naman ako binisita ko ang mundo ng YouTube. Napunta ako sa make up tutorial, song covers, pati 5 minutes crafts pinatos ko. Sinubukan kong isearch kung may full episode ba ng Running man sa YouTube. Running man ang pinakafavourite kong korean variety show. Sobrang goodvibes lang niya at kung gusto mong tumawa lang ito ang panonoorin mo kahit anong episode nakakatawa. Ayon na nga nagsearch ako ng full episode ng Running man at may nakita ako. Dati na akong nagsesearch ng mga full episode nito pero madalang lang ako makakita sa youtube at lahat ng iyon napanood ko na pero ngayon nakakita ako ng episode na hindi ko pa napapanood. Agad agad ko itong pinanood. As expected tumawa lang ako ng tumawa. Dalawang episode ang napanood ko at sumakop yun ng dalawa at kalahating oras.
Ika-29 ng Marso, taong 2020
Noong mga nakaraang araw madaming nagtatanong sa akin kung tapos ko na ba itong gawain na ito o gawaing iyan. Kaya naman ngayong araw napagdesisyonan kong ipagpatuloy na ang paggawa ng mga dapat gawing school works. Ngayon balak kong gawin ang sanaysay na tungkol sa aking liham para sa mga frontliners. Hindi ako nahirapan na gawin ito dahil inilabas ko langman saa aking sulatin ang mga gusto kong sabihin sa mga bayaning ito. Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong ito. Ang laki ng tulong at ambag nila saa pagsugpo ng pandemiyatao at sila din ang dahilan kung bakit kahit papaano'y nakakaraos pa bawat araw ang mga tao. Sinumulan kong magsulat mga bandang hapon na dahil sa umaga ay kinakailangan kong tulungan ang aking tatayimmune na maglaba. Wala ang nanay ko dahil nasa trabaho ang ito, ang tatay ko ay isang driver kaya tigil pasada muna ito dahil sa enhanced community quarantine na pinapatupad sa buong luzon. Matapos naming maglaba, nagpahinga muna ako salit at naligo na. Hindi ko muna ginawa noon ang akinh liham dahil tinatamad pa ako. Noong sinipag sipag na ako sinumalan ko ng magsulat.
Ika-30 ng Marso, taong 2020
Malapit ng matapos ang buwan ng Marso hindi ko man lamang namalayan. Sa mga panahon ngayon tila malay na lamang ako kung araw o gabi na. Pati petsa'y nakalilimutan ko. Ngayong araw naisipan kong gawin ang booklet na pinagagawa ng aming propesor sa NSTP. Ang booklet na ito ay dapat maglaman ng walong insights na sasagot sa tanong na binigay ng aming propesor. Ngayong araw wala pa akong balak na sagutin ang mga tanong na iyon. Balak ko lamang asikasuhin ngayon ang mga detalyeng ilalagay ko sa unahang pahina ng aking booklet. Naghanap ako sa google ng mga larawan na maari kong pagbasehan ng aking front page. Matapos kong makahanap nito nagsimula na akong gumuhit ng mga larawan at disenyo ng unahang bahagi ng akibg booklet. Wala akong colored paper o anomang papel na maari kong gupit gupitan at idesenyo sa aking booklet kaya ang mga coloring materials na lamang ang gagamitin ko para madisenyohan ito. Natapos ako sa pagguhit ng mga larawan ngunit hindi ko pa ito nakukulayan siguro'y sa susunod na araw na lamang. Pati ang laman ng aking booklet ay sa susunod na araw. ko nanatural lamang gagawin. Para naman hindi ako masyadong mastress gawin lang nating magaan ang buhay para masaya.
Ika-31 ng Marso taong 2020
Kahapon hindi kobnqkulayan ang iginuhit ko sa unang pahina ng aking booklet kaya naman nhauon ko ito planong kulayan. Inihanda kobna agad ang akingvmgq pangkulay. Tinasahan ko muna ang mga color pencil ko dahil wala na itong tasa. Inihanda ko rin ang aking oil pastel dahil sa aking palagay ay ito ang mas magagamit ko kaysa sa aking color pencil at water color. Noong nahanda na lahat ng mga kinakailangan kong kagamitan sa pagkulay ay sinumulan ko na itong kulayan. Saglit ko lamang ito ginawa dahil unang pahina pa lamang naman ang aking kinulayan. Bagamat saglit ko lamang ito ginawa nagpasiya ako na sa susunod na araw ko na lamang gagawin ang iba pang pahina dahil madami pa namang araw na ako ay libre.
Ika-1 ng Abril taong 2020
Unang araw ng Abril ngayon, at April fools day din ngayon. Hindi ko napansin ang araw, naalalaat ko lamang ang petsa. at pagdirieang ngayon noong narinig ko ang video na pinapanood ng kapatid kopara. Isa ata itong vlog na ang nilalaman ay isang prank para sa April fools day. Sa aming pamilya hindi naman uso ito kaya dumaan lamang araw. Ngayon, tulad ng ordinaryo kong araw gumising ako ng alas 9 ng umaga, kumain, naligo, nanood ng telebisyon at video sa aking cell phone, kumain at natulog.
Ika-2 ng Abril taong 2020
Kaarawan ngayon ng tatay ko. Akala ko ay walang handa ang tatay ko, dahil kahapon pa lamang ay paulit ulit ng sinasabi ng tatay ko na "ngayon lang ako mawawalan ng handa ah, wala e, walang pera". Ngunit nagkamali ang tatay ko dahil umaga pa lamang ay nagluluto na ng isang kilong pancit ang nanay ko. Kaunti lamang ito ngunit ayos na ito kaysa naman wala. Bumili din ng dalawang softdrinks ang nanay ko. Masaya naman na pinagdiriwang ang kaarawan ng tatay ko, kahit kami kami lang masaya pa rin. Laging umiinom ng alak nga tatay ko kasama ang mga kumpare nito sa tuwing kaarawan niya, ngayon lang ata ito hindi uminom ng dahil pinagbabawal na ang pagbibenta at pagbili ng alak sa lugar namin. Haysst, ang lakimembers talaga ng dalangcrisis perwisyo ng Covid 19, sana'y matapos na ito.
Ika-3 ng Abril taong 2020
Ngayon araw mag-eexpire ang aking GoSurf90 kaya naman kahapon pa lamang ay nagscreenshot na ako ng mga larawan sa google na maari kong iguhit sa aking booklet. Ngayon ko planong iguhit ang mga larawan sa bawat pahina ng aking booklet. Dahil nga wala akong pangdisenyo naisip o na lamang na gumuhit ng mga arawan an konektado sa tema na booklet na akingg gagawin. Mayroon akong mga pangkulay dito sa bahay ( color pencil, oil pastel, at water color) na maaari kong magamit para maging makulat ang aking bookletimmune. Umaga pa lamang ay nagsimula na akong gumuhit para matapos ako agad. Natapos ko ang walong pahina. Lahat ito ay may mga larawan na nabooklet aking ginuhit. Wala pa itong kulay, siguroy sa susunod na araw ko na lamang ito kukulayan.
Ika-4 ng Abril taong 2020
Ang booklet na aking ginagawa ay dapat maglaman ng mga sanaysay na sasagot sa tanong na ibinigay ng aming propesor. Walong tanong ito at bawat tanong ay may nakalaan na isang pahina sa booklet. Wala pa akong sagot sa mga tanongvna ito kaya naman plano ko ngayon na sagutin ito upang mailagay ko na sa aking booklet. Ang mga tanong ay nakaangkop sa kasalukuyang nararanasan ng bansa. Karamihan sa tanong ay kinakailangan masagot ayon sa aming opinyon at ang ilan ay kinakailangan nakasandig sa katotohanan. Inuna kong sagutan ang mga tanong na sa tingin ko ay madali lamang. Ang mga ito ay ang mga tanong na masasagutan sa aking opinyon. Apat na tanong lamang ang nasagutan ko ngayong araw. Isinulat ko kaagad ito sa aking booklet buti na lamang ay maganda sulat kaya hindi nasira ng aking penmanship ang booklet. Mayroon pang apat na tanong akong sasagutin. Siguro'y sa susunod na araw ko na lamang ito sasagutin.
Ika-5 ng Abril taong 2020
Hindi ako mahilig mag tapon ng mga gamit dahil baka magamit ko ko pa ito sa susunod na pagkakataon. Kahit iyong ibang project ko noong ako'y hayskul pa lamang ay nakatambak pa rin sa bahay. Iyong iba nga lang ay natapon na ng nanay ko ng di ko nalalaman. May ginagawa ako ngayon na booklet na requirement ko sa sabjek na NSTP. Wala akong gamit na pangdisenyo sa aking bookletbooklet kaya naman naisipan kong hanapin ang mga proyektong pampaaralan ko noong ako ay nasa hayskul pa. Balak kong kuhanin ang mga disenyo na nilagay ko doon. Sa ilang minuto kong paghahanap wala nakita. Wala na nga akong nakita, nalanghap ko pa ata ang kalahatimembers ng alikabok sa mga gamit na hinalungkat ko. Bahing tuloy ako ng bahing, pero syempre maytakip ang ilong at bibig ko habang bumabahing. Sa akingepisode paghahanap nakakita ako ng madaming dyaryo. Naisip ko na, gawin ko kayasir itong pangdisenyo sa aking booklet. Ginawa ko itong tila banig at binalot ko ito sa unahang pahina ng aking booklet. Matapos kong gawin ito madaming kalattao na naiwan. Mga retaso ng gupit na gupit na dyaryo ang nakakalat. Dahil dyan nagwalis muna ako bago magpahinga at baka masermunan ako dahil sa kalat na ginawa ko.
Abril 5, 2020
Hindi ko pa tapos ang aking booklet kaya ipagpapatuloy ko ang paggawa ngayon. Ilang araw ko na ito ginagawa kaya naman ngayong araw tatapusin ko na talaga ito. Dinikit ang mga tinuping puting papel na naglalaman ng mga ideya tungkol sa mga tanong ng aming propesor sa ilustrasyon board na magsisilbing una at huling pahina ng booklet. Sa una hindi ko alam kung paano ito ikakabit. Hinalughog ko ang buong bahay para makakikita ng gamit na maaring magdikit dito. Nakakita ako ng pulang tali na ribbon pa ata ng cake na binili ng aking ate noong kaarawan ng aking kapatid. Ginamit ko ito para mapagkabit kabit ang mga pahina ng aking booklet. Pagkatapos nito kinulayan ko na ang mga ginuhit kong larawan sa bawat pahina. Sa wakas natapos ko din itong booklet ko. Ilang araw ko din itong ginawa, siguro kung may pasok lang dalawang araw ko lang ito gagawin.
Abril 6, 2020
Isang ordinaryong araw, ibig sabihin wala naman kapanapanabik na pangyayari ngayong araw. Nagising lang ako at dahil hindi ki gusto kumain ngayong umaga ng kanin kumain nalang ako ng tinapay na may palaman. Bumili ako sa tindahan ng Milo, kape lang kasi ang meron sa bahay at hindi ako nagkakape. Ayoko din ng gatas kasi mas mahal iyon kaysa sa Milo. Sa tanghali gulay ang ulam, pinakbet ang luto. Alas dos na ako kumain at ang natira na lang sakin puro kalabasa. Salamat naman at meron pang natirang sabaw kahit papano. Buti na lang kumakain ako ng kalabasa kundi sabaw lang ang magiging ulam ko ngayong tanghali. Sa hapon, nagmeryenda ako ng biscuit, galing ito sa rasyon na binigay ng LGU buti na lang may natira pa kasi parang walang balak mag bigay ang tatay ko ng pera pangmeryenda. Sa gabi ang mahiwagang sardinas ang ulam. Hindi lamang ito basta basta sardinas dahil may halon itong mahiwagang miswa. Ibang klase talaga ang sardinas pwede mong haluan ng kung ano ano. Kahit sardinas lang ulam niyo sa isang linggo pwede pa rin kayo makakain ng iba ibang putahe.
Abril 7, 2020
Abril 8, 2020
Wala ng natitirang videos dito sa phone ko kaya hudyat na ito na kailangan ko ng magpaload. Kung hindi ako magpapaload hindi ako makakadownload. Pag hindi ako nakapagdownload katakot takot na buryo ang aabutin ko sa susunod pang oras at araw. Alas nuwebe palang ng umaga kaya bukas pa ang mga tindahan. Pagpatak kasi ng alas dyis ng umaga magsasara na ang mga tindahan at magbubukas muli ito mamaya pang alas kwatro ng hapon at magsasara muli ng alas sais ng gabi dulot yan ng enhanced community quarantine. Dahil alas nuwebe palang ng umaga may oras pa ako para mag paload. Sakto naman na bibili sa tindahan ang aking nakatatandang kapatid kaya naman hindi ko na kailangan lumabas dahil pinasuyo ko na lang sa kanya na kung maari siya na lang ang magpaload sa tindahan. Nagpaload ako ng regular 90 para maregister ko ito sa GoSakto90. Pitong araw ito tatagal at mayroon akong 2gb para sa surfing at 1gb para sa panonood ng videos sa youtube. Mayroon din itong libreng access sa facebook.
Abril 9, 2020
Ngayon ko lamang nalaman na may dapat pa palang gawing requirement sa isa naming sa sabjek at ito ay Philippine History. Ang gagawin namin ay video report tungkol sa edukasyon noong panahon ng koloyalismong amerikano. Pangkatang gawain ito kaya naman hindi masyadong mabigat. Hanggang pangatlong grupo lamang ang magpapasa ng video report at sa kasamaang palad kasama ang grupo namin doon dahil pangatlong grupo kami. Haysst!! Sumabit pa. Noong Marso pa ito inanunsyo ng aming propesor, siguro'y nawala na sa isip ng aming grupo dahil Abril 14 ang binigay niyang araw ng pasahan nito. Madaming araw pa ang dadaan bago ang pasahan kaya siguro'y nakaligtaan. May binigay ng babasahin ang aming propesor na tumatalakay sa aming ulat kaya naman ang gagawin na lamang namin ay magbasa ngunit syempre kinakailangan din naming magdagdag ng iba pqng impormasyon na galing sa ibang batis. Napag-usapan na ng grupo ang hatian sa ulat namin. Napunta sa akin ang pagsasakonteksto ng batis na ginamit namin. Dahil nga ang luzon ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine magkakanya kanya kaming video sa sari sarili naming bahay. Kailangan na lang namin isend ang video na nagawa ng bawat isa sa group chat namin at saka pagsasamasamahin ng isa naming miyembro. Bukas ko na lamang sisimulan ang pagbabasa dahil hihahanda ko muna ang aking utak sa mahaba habang babasahin. Labing walo kasi ang pahina ng binigay ng aming propesor na babasahin.
Abril 10, 2020
Tinitignan ko pa lamang ang pdf na binigay sa amin ni sir na nalalaman ng aming iuulat, nalulula na ako. Mahaba na nga nakasulat pa sa wikang ingles, nakakasakit ng ulo. Ganon pa man sinumulan ko pa ring magbasa dahil kailangan at natapos ko ito. Habang binabasa ko ito nilalagyan ko ng linya ang mga importanteng detalye para pag binalikan ko ulit ito hindi kinakailangan na basahin ulit lahat. Hindi ako mahilig magbasa pero buti nalang may interes ako sa kasaysayan kaya kahit papano hindi naging mabigat sa akin ang pagbabasa nito. Ang babasahin ay tungkol sa edukasyon at kung paano ito ginamit upang maging instrumento upang masakop ng mga amerikano ang Pilipinas maging ang mismong mga Pilipino. Bukas ko na lamang isusulat ang aking kodigo na aking sasambitin sa harap ng camera. Hindi kasi ako magaling sa impromptu kaya kailangan ko talaga ng kodigo para tuloy tuloy lang ang pagvivideo ko.
Abril 11, 2020
Ngayon ko planong magsulat ng sasabihin ko sa harap ng camera. Hindi ako makapagsusulat kung wala akong panulat at susulatan kaya kinuha ko muna ang aking ballpen at papel. Sa una wala akong masulat hindi sa hindi ko naintindihan ang teksto, hindi ko lang alam kung paano simulan. Dito lagi ako nahihirapan, sa simula pati na rin kung paano ito tatapusin. Binalikan ko muli ang teksto at binasa muli ang mga mahahalagang detalyeng minarkahan ko ng linya. Matapos nito nakapag-isip na ako kung paano ko ito sisimulan. Noong nasimulan ko na ito tuloy tuloy na ang pagsusulat ko. Inilagay ko ang mga makasaysayang pangyayari sa Pilipinas na binanggit sa teksto at inilagay ko rin ang opinyon ko tungkol sa pangunahing ideya ng teksto.
Abril 12, 2020
Tinapos ko kahapon ang script na gagamitin ko sa gagawin kong video report para sa sabjek na Philippine history. Bukas na ito kokolektahin ng grupo para maicomply ng mas maaga. Dahil dyan kailangan kong matapos ngayon ang pagvideo at pag edit nito. Mayroon na akong application para sa video editing dahil kinailangan ko din gumawa ng video report para sa ibang sabjek. Bandang alas tres ng hapon, oras na tapos na ako maligo at gawin ang gawaing bahay kaya naman naghanda na ako sa pagvivideo. Kinuha ko na ang papel na naglalaman ng aking script, selfie stick, at syempre ang aking cellphone na siyang gagamitin para maivideo ang aking sarili. Siniguro ko din na presentable ang aking mukha bago humarap sa kamera. Sinuklay ko ang aking maitim at mahabang buhok. Medyo basa pa ito dahil kagagaling ko lamang sa pagligo. Naglagay din ako ng kaunting pampapula sa labi dahil ayoko kong magmukahang may sakit dahil kaputlaan. Matapos maglagay ng pulbo sa mukha at VIYOLA!! HANDA NA AKONG MAGVIDEO. Hindi ko hawak ang sitwasyon sa aking kaya naman medyo nakaapekto ito sa aking pagvivideo. Mayroon sumisigaw na kapitbahay, umiiyak na bata sa harap ng bahay, at syempre maiingay na mga kapatid. Dahil ang ingay na ito ay masasapawan ang aking boses sa tuwing may maingay pansamantala kong tinitigil ang pagvivideo. Bandang 4:30 ng hapon natapos ako sa pagvivideo. Ang pag eedit naman ang aking inasikaso. Madali lang naman mag edit madami nga lang siyang proseso kaya medyo natagalan ako. 8:30 na ako natapos mag edit.
Abril 13, 2020
Sa darating na miyerkules mag-eexpired ang aking load ibig sabihin masawayang ang natitira kong MB paghindi ko pa ito uubusin ngayong araw at bukas. Dahil dyan abala ako sa pagdadownload ng mga korean variety shows, korean movies at korean drama. Ito na lang ang aking pinagkakaabalahan ko ngayong walang pasok. Ito ang gamot ko sa buryo. Tulad ng dati recent update ng episode ng running man, master in the house, knowing brother, 2 days and 1 night at return of the superman ang dinownload ko. Ilang korean movies din ang na download ko. Exit, Midnight Runners, A sound of a Flower at iba pa. Hindi pa naubos ang aking MB kaya naman bukas sisiguruhin ko na mauubos na ito parq di masayang yung MB.
Abril 14, 2020
Ito ang pagpapatuloy ng aking pagdadownload. Ngayon nagdownload ako ng kdrama. Code Name Yongpal ang titulo ng korean drama na ito. Ito ay binubuo ng labing walong episodyo. Isa itong medical, aksyon at romansa na klase ng drama. Tatalakay ito sa isang propesyonal na doctor na nag aalok ng serbisyo sa mga kriminal. Ginagamot nito ang mga kriminal na tinatawagan dahil kinakailangan niya ng pera na pampapagamot sa may sakit nitong kapatid. Ang ginagamit nitong alyas ay Yongpal. Dati ko pa ito gustong idownload dahil noong nabasa ko ang overview nito ay nagustuhan ko. Pakiramdam ko maganda itong drama na ito kaya dinownload ko. Nawalan na ng space ang aking phone storage at sd card storage kaya naman nanonood na lang ako sa youtube ng korean movies at variety shows para maubos ko ang natitirang MB ng sim card ko.
Abril 15, 2020
Bago pa man ako magising ngayong umaga nag expired na ang load ko kaya naman wala na akong access sa internet. Ngayon ko balak simulan ang panonood sa korean drama na Code Name Yongpal. Unang episode pa lang maganda na, nakuha agad nito ang atensyon ko. Unang episode pa lang nagpakita agad ito ng aksyon at ang galing niya sa bilang surgeon ay ipinakita na agad. Ngayong araw anim na episode qgad ang natapos ko. Labing walong episode ito drama na ito ngunit pakiramdam ko tatlong araw ko lqmqng ito matatapos. Maganda naman kasi ang dramang ito kaya nananabik agad ako sa katapusan nito. Gusto ko na agad malaman kung anong mangyayari sa dalawang bida sa drama pero sana naman hindi trahedya ang katapusan pagod na ako magpigil ng iyak dahil kung makikita ito ng kahit isa sa mga kapatid malamang at aasarin ako ng mga iyon.

No comments:
Post a Comment